mamamahayag, nasaan ang karapatan mo?
Journal Entry: Fri Nov 30, 2007, 6:46 AM
Marahil ay alam na nating lahat ang nangyaring coup attempt sa Makati kahapon. Nobyembre 29, 2007 na sinimulan nila Senador Antonio Trillanes, Brig. General Lim, Former VP Teofisto Guingona at ilang mga kasapi ng Magdalo Group na naging utak din di umano ng Oakwood Mutiny.
Isa sa mga naging reaksyon ng bawat Pilipino ng mabalitaan ito ay, "coup attempt na naman." marahil ay unti-unti ng nasasanay ang mga Pilipino sa madalas na pag-aaklas na nagaganap sa ating bansa. Nawawalan na nga ba nang halaga ang tinatawag na coup dahil sa paulit-ulit na ganitong pangyayari? Tama nga ba ang ginawang pagkilos nina Senador Trillanes sa pag hostage ng Manila Peninsula Hotel? Tama rin kaya ang pagresponde ng mga pulis, militar at mga kawani ng gobyerno?
Hindi ko sasagutin ang mga katanungan na iyan. Ipapaubaya ko na sayo kung ano ang opinyon mo sa bagay na yan. Nandito ako ngayon upang ipahayag ang aking saloobin sa naganap na pagtrato sa mga kapwa mamamahayag sa nasabing "coup attempt."
Napanuod ko sa telebisyon at napakinggan sa radyo ang mga naganap na panggigipit sa mga mamamahayag. at bilang isang estudyante ng kursong Mass Communication, masasabi kong hindi makatwiran ang nangyaring pagdakip, pagkulong, pagtali sa mga kamay, at pagpigil sa mga taong nasa industriya na naghahatid ng balita.
Nagpanting ang tenga ko sa aking narinig nang sabihin ng isang opisyal ng PNP ng tanungin sya kung bakit dinakip ang ilang miyembro ng media at pilit silang tinutukan ng baril at pinadapa. hinuli at ikinulong.
ito ang kanyang pahayag: "nakiusap naman kami at tumawag sa Media na umalis na sa Peninsula Hotel dahil magkakaroon ng clearing operation sa taning na aming ibinigay. pero hindi pa rin sila nakinig. hindi namin ginusto ang nangyari. napilitan lang kami."
Hindi dapat isisi sa Media kung sila ay mapilit sa pagbabalita at kung hindi sila sumunod sa nasabing pakiusap. Ang trabaho ng isang mamamahayag ay ipaalam at imulat ang mga tao sa realidad na nagaganap sa kapaligiran ng buong bansa. mabuti man ito o masama. Gaya ng mga pulis at militar, ginagawa lang ng Media ang trabaho nila.
Ang mga pulis, militar at kawani ng gobyerno na nagmamalabis ng kanilang kapangyarihan ang gumagawa ng balita.
Nais ko ring iparating sa mga pulis at militar na hindi hayop ang mga mamamahayag para tutukan sila ng baril ng ganun ganun lang. Ang baril ay hindi ginagamit upang ipanakot sa mga tao na walang ginagawang kasalanan.
Sabi nga ng mga mamamayan, eto na naman! coup na naman! coup na naman nga pero mukhang hindi pa din tayo nadadala sa mga nangyayari noong mga nakaraang coup attempt. ilang coup attempt na ba ang dumaan pero ganoon pa din ang pagtrato sa Media. Hinaharas, pinapatay.
Nasaan na nga ba ang batas na 'freedom of expression/speech?' naipapatupad pa nga ba ito? nasaan ang demokrasya ng ating bansa?
Kung ngayon pa lang ganito na ka-grabe ang nangyayari sa mga mamamahayag sa pagpapakita ng realidad na nagaganap sa ating bansa, paano pa kaya kapag nakatapos kami at naging mamamahayag? mapapabilang din ba kami sa mga inaabuso, at pinapatay na mamamahayag?
Kelan nga ba dapat kumilos? Kelan ba dapat ipaglaban ang karapatan bilang isang mamamahayag?
O ano? tatahimik ka na lamang ba at maghihintay na ikaw ang sumunod na aabusuhin at papatayin?
MAMAMAHAYAG, IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN MO!
- Mood:
Love - Listening to: PBB
- Reading: handouts for TV production
- Watching: PBB
Devious Comments
--
STRANGEHEART GALLERY
--
i like walking in the rain, so no one can see me crying - charlie chaplin-
--
请你看: [link] 谢谢
--
请你看: [link] 谢谢
pa-watch ^^
--
zomg! i am not worthy @_@
--
if someone wants to be a part of your life.. They'll make an effort to be in it.
--
if someone wants to be a part of your life.. They'll make an effort to be in it.
--
if someone wants to be a part of your life.. They'll make an effort to be in it.
--
This is your life and it's ending one minute at a time.
--
i like walking in the rain, so no one can see me crying - charlie chaplin-
Previous PageNext Page